An Inline Comment was posted on the text below
Scroll down for the comments
(base sa operang “Hinilawod”)Sapagkat hindi lamang huni ng dagatang nagbibigkis sa iyo kay Malintang,Ikaw Humadapnon ay nangakong tutuklasng daan patungo sa kaniya. Hindi bunga ng panaginipo pagkakataon lamang ang
dugtong ng inyong hinahon .Narito ako at hihintayin ka,halika, halika,Pintuho mo akong kailangang makita.mangako ka! Nasaan ka at sa panaginip lamang lumalagi? Nasaan ka marilag kong giliw, aking Marikit?, Susundan kahit saan huwag kang maiinip.Inaawit ng dagatang landas ng pagkabuohindi ang daan ng gunaw;kaya nga at may pangakobawat liriko. Madalas,sa daan ng pagtugaygay,nanliligaw ang ligaw.Saang yungib at dilim nagbubuga ng amoy ng pang-akit?Ikaw Humadapnon ay narahuyosa gayumang kaloob. Wala ngayong panaginipna lumitaw sa nilasong puso.Tagumpay ka tampalasang Guinmayan.Sa bagsik ng gayuma,kahit dalisay mang pag-ibigay namamatay.Buuin natin ang kapwa natin pangako.Nandiyan na ako,ang talim ng tabakang sa iyo ay saklolo. Ay giliw kong tunay, salamat sa iyong alay, kahit buhay mo’y handa sa aking ibigay.Kayo Malintang at Humadapnonay naglunoy sa himig ng dagat.Ngunit lahat ng nananatili ay may pansamantala.Naglambing ang tungkulin.Nagbigay ka Humadapnonupang sa muling pagbabalikay wala nang lilitaw na paglisan.Matagal nang nakatatak sa lupa at lipiang kasunduang di mababali – Malintang at Sumagulong.Ikaw na naiwan ay di nagawang umaglahisa naghihintay mang pighati.Patawad sa di natakasang tadhana. Taksil ka at di nakapaghintay sa akin. Mas nanaisin pang buhay mo ay kitilin.Umagos ang dugo sa paanan mo Humadapnonkasabay ng pagkakagiba ng moog ng pagsuyo.Nabulag ka sa pangingimbulo’t poot ang naidulot. Nasaan ka Malintang? Dadalhin kita sa pampang. Buhayin ka nawa ng himig-dagat Tanggapin nawa, ang usal kong patawad.Noon sumilang ang arawna may pag-asang buhay.